Tanong: Ano ang nais mong gawin sampung taon mula ngayon

Nakakatakot ang salitang hinaharap kasi hindi ako sigurado kung ano ang nais kong gawin or ano ang aking kapalaran. Sa kasalukuyan nais kong maging isang Negosyante.

Pag 25 na ako gusto ko maging isang Negosyante dahil gusto ko ituloy ang kompanya ng aking tatay. Habang nagtratrabaho gusto ko rin magaaral ng “Masters Degree” para mas marami ang alam ko na makakatulong sa aking trabaho. Gusto ko rin magkaroon ng isang girlfriend na maganda at mabait na hindi nagdadaya.

Hindi pa sigurado kung ano ang kapalaran ko pero gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para matagumpay ito.