Maraming magagawa ang isang tao para makatulong kanyang kapwa. Bawat isa sa atin ay may responsibilidad na tumulong sa ating kapwa. Pwede siya maglinis ng paligid, maging magalang sa pagbabati ng mga mas matanda o kaya naman irespeto ang kaklase. Sobrang dali makatulong sa kapwa. Ang tanong naman ay kung gagawin mo ba ang iyong responsibilidad?

 

Ang maiitulong ko sa kapwa ko ay isang maliit na bagay lamang pero malaki ang epekto sa aking diciplino. Ako ay hindi na magtatapon ng basura kahit saan lang. Pag nasalabas ako itatago ko lamang ang basura sa bulsa ko hanggang may makikita akong basurahan na pwede magtapon ng gamit.

 

Mahalaga ito dahil sa aking ginagawa mapapakita ko na hindi kailangan na sobrang grabe ang tulong sa kapwa kahit sa mga maliliit na bagay may magagawa parin tayo.