Ang aking kaarawan ay nasa Hunyo 13. Tuwing Hunyo 12 walang pasok kasi ito ang ating araw ng kalayaan kaya palagi walang pasok. Palagi namin ipinagdiriwan ang aking kaarawan sa Hunyo 12 dahil walang pasok ang aking mga magulang. Noong ako ay walong taong gulang ito ay ang pinakasamang kaarawan ko.

 

Nagplano ang aking mga magulang na pumunta sa Baguio para sa kaarawan ko. Inimbita nila ang aking mga pinsan para mas masaya at masigla ang aking kaarawan. Ang orihinal na plano ay aalis kami sa Hunyo 10 at babalik ng Hunyo 14 dahil may pasok na sa Hunyo 15. Sobrang sabik ako dahil makakapunta ako sa Baguio kasama ng aking mga pinsan at magiging masaya ito ngunit sa hindi ito natuloy. Sa Hunyo 7 may natanggap text ang aking nanay na ang bagong araw ng pasukan sa Xavier ay sa Hunyo 11. Sa gitna ng aming lakbay sa Baguio! Ang nakakalungkot dito ay binayaran na ng aking mga magulang ang aming kwarto na tutulugan doon. Ang nangyari ay binigay nila ang aming kwarto sa isa kong pinsan para hindi masayang ang pagbayad nila. Sa aking walong kaarawan ipinagdiriwang namin sa aking bahay ang aking kaarawan.

 

Kahit malungkot ang aking walong kaarawan dahil sobrang taas ang aking inaasahang mang-yari hindi kong ginagawang malaking problema dahil alam ko na mahal na mahal ako ng aking mga magulang.