Ang aking basketball team

Ako ay si Ryan “the miracle worker” Tan. Nag-aaral ako sa University ng Ateneo para maging isang model. Sa kasalukuyan, ako ang team captain ng Ateneo Blue Eagles. Magaling ako sa mga “freethrows”, jumpshots at magaling akong gumawa ng mga “plays.” Tingin ko ito ang dahilan bakit kinuha ako ng Ateneo. Naendorse na ako ng maraming kompanya gaya ng colgate, swish, swatch at cobra energy drink, pero hindi pa ako kontento dito ang aking pangarap ay maging isang underwear model.

 

Pangarap ko magtrabaho dito

Noong Taon, nakatanggap ako ng isang email galing sa Calvin Klein. Ang nilalaman nito ay nakasulat na kailangan nila ng isang model. Sobrang sabik ako kasi kilala ang Calvin Klein sa kanilang mga “briefs” at “boxers.” Agad kong sinagot ang itong oportunidad para maging isang model. Nakasulat din sa e-mail na kailangan kong magpalaki ng katawan. Sa sobrang tuwa ko nakalimutan ko na ang aking obligasyon sa mga practice para sa Blue Eagles. Naintindihan ako ng aking girlfriend na si Cristine Reyes dahil may karanasan din siya sa pagiging underwear model, at masaya siya nang nalaman niya nag ako rin ay magiging isang modelo. Nasa gym lang ako 11am hanggang 3pm. Tumuloy ito ng ilang araw, sobrang nagaala ang aking mga kaibigan, dahil parang buong araw nasagym ako at konti na raw ako kumain. Sabi nila na masama ito sa aking kalusugan, ngunit hindi ako nakinig sa kanila dahil gustong-gusto ko ang itong proyekto at ayaw ko may masamang mangyari. Dumating ang araw ng aking photoshoot. Ito ay naganap sa ika-anim ng Hunlyo sa Calvin Klein Makati. Sobrang sabik ako dahil ito ang unang beses ko na mag model sa isang underwear na kompanya, at pag nagtagumpay ito sigurado ako na magiging kilala ako sa pagiging modelo. May isang assistant na lumapit sa akin, at binigyan ako ng isang makulay na brief na nakabalot sa balat ng ahas. Sinusuot ko ito at ako ay naninibago sa pakiramdam, para sa akin magaspang ang tela at makati sa aking binti. Habang naninibago pa ako sa nakakaibang brief, nilapitan ako ng isang babae na may hawak na clipboard, sa tingin ko siya ang talent scout na nage-mail sa akin. Sabi niya “Ryan, mali pala ang nabigay kong e-mail sa iyo ang nais kong isabi sa iyo na ikaw ay magiging isang wrist model!” Nang narinig ko ito, nawalan ng lakas ang aking paa. Naalala ko ang paghihirap at sakripisyo na dinaraanan ko para lang sa itong pagkataon maging underwear model, tapos ngayon magiging wrist model lang ako! Nawala ang aking gana magposing sa harap ng kamera, at naiinis ako sa aking sarili dahil hindi ako nanigurado na tama ang proyekto nakuha ko. Kahit papano man nagawa kong suotin ang relo at nagposing sa kamera. Hindi ko binigyan buong puso ang aking mga posing, nguinit sabi ng mga critics na ang mga larawang iyon ay ang isa sa mga pinakamahusay kong nagawang proyekto sa pagmomodel.

 

Marami akong natutong mahalagang aralin. Unang-una kailangan ko manigurado na tama ang proyekto na kinuha ko. Pangalawa dapat maibibigay pansin ang lahat ng aking importanteng tao o gawain sa aking buhay at hindi lang puro trabaho. Gaya ng practice sa Blue Eagles at ang aking girlfriend na si Cristine Reyes. Sa wakas kahit hindi ko nakuha ang aking gusto, nagustuhan ko parin ang pagiging modelo. Itinuloy ko ang pagiging modelo sa Calvin Klein at ngayon ako ay isang totoong underwear model!