Si Ara Cristine Pascual Reyes ay pinanganak noong Pebrero 5, 1989. Siya ay isang modelo at artista. “Cover girl” din siya sa FHM at ang masasabi ko ay napakaseksi niya! Magaling siya pumili ng mga proyekto kaya siya ay isang “sensation” sa ating bansa. Ikinagagalak kong sabihin na siya ang aking girlfriend!

Cristine Reyes

 

Ang unang date namin ni Cristine ay sobrang saya. Sa aming first date kami ay nahihiya pa sa isa’t-isa kaya sa simula tahimik lang kami, pero nang tumagal ang date mas naging malikhain ang aming mga sinasabi. Maraming nakakahiyang “oops moments” ako. Gaya naapakan ko ang paa ni Cristine, at hindi ko naakalain na sinamahan ko na pala siya sa loob ng CR ng babae! Sobrang hindi ko ito makakalimutan. Tinawagan ko siya at tinanong kung gusto niya kumain kami sa labas o manood ng sine. Nagoo siya sa aming date, kaya sobrang sabik ako. Mahigpit ang aking iskedyul dahil ako ay isang modelo at varsity sa Blue Eagles pero sindadya ko na isang sabado ay para kay Cristine wala akong nakaplano roon maliban sa aming date ni Cristine.

Audi R8

 

Sinundo ko siya gamit ang aking bagong kotse ang “Audi R8.” Nais ko pakita sa kanya ang aking baong laruan. Mabilis itong kotse at nasa 1.4Billion Pesos ang halaga nitong kotse, kaya sana nagustuhan niya ito. Sinundo ko siya dalawang oras bago ang sine para maidadala ko siya sa iba’t-ibang lugar gamit ang aking R8. Nang nakita niya ito, nagdududa muna siya kung ako nga ba yan kasi sa huling date namin isang “Toyota Altis” lang dala ko. Binaba ko ang bintana para makita niya ang mukha ko, at biglang tumawa siya. Sinabi niya: “Naglevel up ka na!” Tumawa rin ako at tinulungan ko siya pumasok sa kotse, kasi ako ay isang “gentleman.” Pumunta muna kami sa Serendra para masubok ang kotse. Sobrang bilis pala ng kotse! Hindi ko namalayan na nasa 200kph na pala ako nakakatakot ito pero habang ako ay natatakot, si Cristine ay sinasabi sa akin na bilisan ko pa! Pagkatapos nito nagpasalamat ako sa diyos na walang nangyari sa amin, at nanood na kami ng Kung Fu Panda 2 sa Rockwell. Habang nanonood kami napapansin ko ang tawa ni ay Cristine sobrang cute! Kaya tuwing tumatawa siya napapangiti rin ako. Pagkatapos ng sine tinignan niya ako ng matagal. Akala ko na may masamang sasabihin siya. Bago ko mabukas ang aking bibig hinalik niya ako! Nakatulala lang ako habang tumatawa si Cristine.

Dulcinea

Pumunta kami sa “Dulcinea” para kumain. Ang pagkain dito ay hapon gaya ng lengua, paella, atbp. Naghati kami ng isang Lengua Estofon. Ito ay ang dila ng baboy hindi pala alam ito ni Cristine. Nasabi ko habang kumakain kami. Lumaki bigla ang kanyang mga mata at muntik na siyang sumigaw! Tawang-tawa ako pero nakita ko parang may luha ang kanyang mata. Nagsisisi ako na sinabi ko ito sa kanya. Nagorder ulit kami ng bagong pagkain at nagpatawad ako. Buti lang hindi nagalit si Cristine at maya-maya tumatawa na siya ulit. Pumunta kami sa isang tindahan na nagbebenta ng mga relo. Hindi ko alam anong kukunin ko, kaya nagpatulong ako kay Cristine. Hindi siya nahirapan at agad niyang pinili ang mas malaking relo, dahil mas bagay daw sa akin ang malaking relo. Pagtingin ko sa aking bagong relo nakita ko na alas onse na! Nagpatungo na kami pauwi gamit ang R8 na napakabilis. Sindadya ko dumaan ng EDSA kasi sigurado akong walang kotse roon kasi gabi na. Binilisan ko ang pagtakbo ng aking kotse at umabot ako ng 290kph! Sobrang hataw ako na hindi ko napansin ang pulis na humahabol sa akin. Binukas nila ang kanyang “siren” at nagulat kami. Sa tingin ko, tumatakbo kami ng 290kph kaya hindi kami mahahabol ng pulis. Nang nakita ko lumalayo na ang agwat namin ng, pulis hinataw ko pa lalo ang kotse! Bigla sumigaw si Cristine: “Ryan, may tao!” Agad kong nipreno ang kotse, at tumingin ako kung nasaan yung tao, pero walang tao naman! Tumawa si Cristine dahil biniro niya ako. Una nainis ako pero biglang hinalik niya nanaman ako! Nawala ang aking galit, at tumuloy kami papunta bahay ni Cristine. Binilisan ko ulit ang aking pagtakbo. Habang palapit kami sa bahay, biglang sinigaw niya “may tao Ryan!” kala ko nagbibiro nanaman siya, at binilisan ko pa ang pagtakbo ng kotse! Tapos sumigaw si Cristine ng napakalakas at biglang nagpreno ako. Buti lang nakapreno ako dahil may tao nga pala! Isang lola na nagtatawid ng daan. Nagpatawad ako kay Cristine kasi hindi ko siya tiniwalaan. Sa palagay ko siya ang aking anghel dahil kung hindi niya sinabi siguro patay na ang lola.

 

Sobrang hindi ko ito makakalimutan, una hinalik ako ni Cristine. Tapos pinilian pa niya ako ng relo at muntik kong masagasahan ang isang lola. Buti lang hindi natakot si Cristine sa akin dahil sa nangyari at pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magmamaneho ng mabilis ulit. Ang natuto ko sa sitwasyon ito ay una wag magmaneho ng mabilis at dapat maging maingat sa mga ginagawa at mga sinasabi.