Noong unang taon ko sa Ateneo de Manila University, ako ay kararating lang sa Pilipinas, lumaki kasi ako sa Rio de Janeiro Sa Brazil, at nais kong mag-aral sa Pilipinas dahil dito, wala akong kaibigan at naninibago pa ako sa mga kutura ng Pinas.

 

Rio de Janeiro

Ang unang kurso na nasaisip ko ay ang kursong Arkitekto, dahil gusto kong sundan ang aking tatay sa kanyang trabaho na “Interior Designs.” Sa aking kurso nagkaroon ako ng kaibigan si Bob Ulo. Magaling siya sa pagiisip ng mga bagay na nakakaiba at bonga, kaya bagay siya sa kursong ito. Ikinuwento niya sa akin na noong dalawang taon si Chris Tiu ay sobrang galing at siya ang nagpanalo sa marami ng mga laro ng Blue Eagles. Siya rin ay naendorse ng maraming produkto at team captain pa siya! Inimbita ako ni Bob na magtryout sa varsity pero hindi ko sobrang gusto ang basketball pero sinamahan ko parin siya magtryout. Sa araw ng tryout, may malaking surpresa na binigay sa amin! Iba ang proseso sa pagpipili ng bagong miyembro, dahil si Chris Tiu mismo ang titingin kung sino ang pasok! Maraming tao natataranta, dahil hindi nila nakalain si Chris Tiu ang magiging judge sa araw na iyon. Ang paraan ng pagpili ay kung sinong team ang manalo roon si Chris Tiu mamimili. Maraming natalo dahil hindi sila sumusunod sa mga sinasabi ng “playmaker” ng team, at mali-mali ang mga tinatawag na plays ng playmaker nila. Sa team ko naman ako ang ginawang “playmaker!” Tindi ng responsibilidad ng isang playmaker, kaya sinigurado ko na malinaw at tama ang mga plays na tinatawag ko. Pagkatapos ng laro nanalo kami ng 54-44! Sampung puntos lamang kami! Nagulat si Chris Tiu sa aking galing magbigay ng utos sa mga miyembro ng aking team kaya nakapasok ako sa Blue Eagles ngunit sinabi niya na kailangan ko pa gumaling sa aking mga tira dahil 15% lang daw ang pumasok na tira na ginawa ko. Sobrang saya ko dahil nakapasok din si Bob at tatlo lang kami nakapasok sa tryout nitong taon. Gumawa ako ng plano kung pano gagaling ang aking tira tuwing 4-6pm ako ay pupunta sa gym at titira ng isang daang bola at kung hindi papasok gagawa ako ng pushups bawat bola na hindi pumasok. Ginawa ko itong pagsasanay ng isang buwan. Sa aking tuwa ito ay nagtagumpay mula sa 15% “Field Goal” naging 74% na ako! Unting-unti ako ay nagiging kilala sa mundo ng basketball. Sa aming laro kalaban La Salle, nabalian ng buto ang aming team captain. Pinasok ako ng aming coach bilang Point Guard. Tabla ang aming puntos at huling dalawang minuto, at ang bola ay nasa kamay ng La Salle. Maayos na nakabantay kami ngunit nakatira ng isa si Barquez, siya ay ang ace 3point shooter ng La Salle. Natatalo na kami ng tatlong puntos. Natataranta na ang mga kasama at nawalan na sila ng pag-asa, pero kalmado parin ako kaya kinuha ko ang bola tapos isinugod ko ang bola. Tapos nakalayup ako at nafoul pa ako! Nung pumasok ang bola, nagwalaan ang mga tao! Down by one na lang kami at pag pinasok ko ang free throw na ito tabla na kami ulit. Tinignan ko ang oras tatlong segundo na lang! Sa isip ko kailangan ko gumawa ng nakakaibang dunk. Kaya sinadya ko ihagis ang bola at tumakbo ako papunta sa bola. Sa sobrang bilis ng kilos ko walang nakakita na hawak ko na pala ang bola at nagdunk ako! Pagkatapos ng itong “miracle” may isa pang segundo natitira. Hindi na nakabawi ang La Salle at nagwalaan ang mga manonood dahil sa ginawa kong dunk. Dahil dito ako ay naging MVP sa buong season. Naendorse na rin ako sa mga iba’t ibang mga produkto at kasingsikat ko na si Chris Tiu.

ang medalya na nakuha ko

Chris Tiu

Sa afterparty nilapitan ako ni Chris Tiu at binati ako sa aking napakahusay na laro. Kami ay naging kaibigan mula roon. Ang natutunan ko dito ay wag mawalan ng pag-asa dahil kapag nawalan ka nito ay siguradong tao ka na. Ito po ay si Ryan signing off.