Mahirap ang buhay ng isang artista, lalo na pag ikaw ay isang basketbolista pa! Maraming kailangan gawin gaya ng mga photoshoot at traning. Kadalasan hinihigop ito ang buong linggo mo, kaya natatamad na ako minsan maghost sa iba’t-ibang programa. Nasubukan ko na magguest sa “Banana Split”, “Rated K” at hindi ko ito sobrang nagustuhan, pero pag naimbita ako sa ASAP gagawa ako ng paraan para makapunta ako dahil masaya ang mga tao roon hindi gaya ng ibang programa na napuntahan ko.

ASAP

Kahapon naimbita ako ulit sa ASAP. Ito ay espesyal dahil ito ang kaarawan ni Cristine! Ginawa akong “surprise guest” na ihaharana ko raw si Cristine. Sabi nila na walang sinuman dapat malaman na ako ay magiging isang “surprise guest” dito. Sobrang sabik ako kasi gustong-gusto kong makita ang reaksyon ni Cristine nang makita niya ito, at natataranta din dahil baka maabala ko ang mga tao roon, kasi hindi ko pa kabisado ang aking gagawin. Kaya ang ginawa ko sa buong linggo ay magpractice at magpractice lang. Gumagawa ako ng iba’t-ibang “vocal training.” Sa tingin ko napaos pa nga ako! Kahit sa practice sa Blue Eagles, binabasa ko ang iskedyul ng mga mangyayari at ang lyrics sa kanta para hindi ko makalimutan. Tinawag ako ng coach at nakalimutan kong itago ito. Iniwan ko lang ito katabi ng aking mga damit. Pagbalik ko, nagtataka ako kung bakit ang ibang mga manlalaro ay malapit sa mga damit ko at nagtatawanan sila. Biglang naalala ko, naiwan ko ang iskedyul at nakita ito ng aking mga kaibigan! Sa itong sitwasyon, parang nagyelo ang aking mga paa hindi ko rin alam anong gagawin ko. Biglang bumigat ang aking puso at nahilo ako. Lumapit silang lahat sa amin at nagtatawanan sila. Nang nakita nila ang mukha ko na sobrang putla, naintindihan nila ang sitwasyon at pinangako na hindi nila sasabihin ito sa kahit sinuman. Biglang gumaan ang aking puso at dahil sa kanilang katapatan sa akin sabi ko na kukunin ko sila ng “backstage pass” sa ASAP sa susunod na linggo. Habang kami ay naguusap, nagpito ang coach namin at lumapit sa akin. Akala ko na ipapagalitan niya ako pero ang sinabi niya “Ryan, gusto ko rin ng backstage pass.” Nang narinig ko ito, tumawa ako ng sobrang lakas, kasi hindi ko akalain na mahilig si coach sa mga ganitong programa! Nahirapan ako itago ang sekreto ito kay Cristine. Muntik ko pa nga sabihin ito sa kanya e! Sa araw ng ASAP, nakakuha ang lahat ng aking mga kaibigan sa Blue Eagles at ang coach namin ng backstage pass. Idolo pala ng aming coach si Gary V. Parang babae sumigaw ang aming coach nang nakita niya si Gary V. Lumapit sa akin ang assistant at dinerekta ako sa isang maliit na kwarto para hindi ako makita ni Cristine. Sabi niya na bibigyan niya ako ng cue para lumabas, at kung narinig ko na ang cue dapat tatayo ako sa bahagi ng kwarto na may malaking “X” sa sahig kasi raw parang elevator na tataas ito. Narinig ko nagsimula na ang programa nagbabati na sila at kumanta ng “Happy Birthday” para kay Cristine, tapos narinig ko ang aking cue na “You have a very special guest.” Dali-dali kong sinugod ang X dala ko ang aking gitara kasi plano ko gawing acoustic, ako at ang aking gitara lang para mas ramdam ang aking damdamin. Nagulat ako sa makina ng malaking X dahil parang mahuhulog ako pag gumalaw ako, kaya parang istatwa ako tignan. Nang lumabas ako sa ilalim ng stage, biglang nagpalakpakan at nagsigawan ang mga tao kasama rin dito si Cristine.

Bruno Mars

Nang tumahimik na sila, kinantahan ko si Cristine ng kanta na “Just The Way You Are” isinulat ito ni Bruno Mars. Nahahalata ko na nakilig si Cristine kasi ang pula ng kanyang mukha parang kamatis habang kinakantahan ko siya. Pagkatapos nito yinakap ko siya at binigyan siya ng halik at binulong sa kanyang tenga “Happy Birthday.”

Pagkatapos ng ASAP dinala ko siya sa isang magandang restawran, at pinagdiriwang ang kanyang kaarawan na kaming dalawa lang. Nagtawanan kami at sobrang saya ng aming kapunan. Nasabi ko pa nga sa kanya na muntik na masira ang araw na ito, kasi napakita ko ang iskedyul sa aking mga kaibigan. Sabi niya na sa sunod dapat maging maingat ako sa mga mahalagang bagay.  Sa aking palagay ito ang pinakamasayang kaarawan niya, at para sa akin ito rin ay nagbigay ng aralin sa akin. Natuto ko na gaya sinabi ni Cristine na dapat maging mas maingat ako sa mga bagay gaya ng iskedyul dapat itinago ko ito ng mabuti.