Pagtatambis
Magkakaiba sila dahil toyota ay gawa sa Japan at sa Audi ay gawa sa Germany
Magkakaiba sila dahil mas mahal ang Audi at mas mura ang Toyota.
Magkakaiba sila dahil mas computerized ang laman ng Audi habang ang Toyota ay simple lang ang mga desenyo.
Magkakaiba sila dahil mahal ang mga parte ginamit sa mga Audi. Habang mas mura ang mga parte ng mga Toyota.
Magkakaiba sila dahil mas malakas ang Toyota kaysa sa Audi (Philippines)
Magkaiba ang kanilang Logo

Vroom-Vroom

 Ang kotse ay isa sa mga rebolusyonaryong imbento na ginawa. Sa kasalukuyan, hindi ko ma imahe ang buhay na walang kotse. Maraming iba’t-ibang kompanya na gumagawa ng kotse. Gaya ng Honda, Mitsubishi, Toyota at Audi. Maraming opinyon ang tao sa aling kotse ang mas maganda. Ibabahagi ko ang dalawa sa mga kilalang kompanya sa Pilipinas. Ang Toyota at Audi, at kung bakit sila ay magkaiba.

Ang pinakahalatang pagkaiba sa dalawang kotse ay ang kanilang logo. Sa Toyota parang may tatlong bilog na dikit-dikit. Sa Audi naman ay apat na bilog (parang logo ng olympics). Iba rin ang lugar na ginagawa ang kotse. Gawa sa Japan ang Toyota, habang gawa sa Germany ang Audi. Ang mga “gadget at interface” sa loob ng mga kotse ay sobrang iba. Sa Toyota, ang kanilang mga kotse ay simple lang ang laman. Ang habol nila ang praktikal na pag-gamit ng kotse. Ang Audi naman ay magaganda ang loob ng kotse. Puno ng mga “top of the line” na “gadgets” gaya ang kanilang susi ay hindi na sinasaksak at iniikot para mabukas ang makina, sa Audi sinasaksak lang ang susi tapos magbubukas na ang makina. Dahil dito, mas mahal ang Audi dahil habol nila ang pinakamagandang teknolohiya ginagamit sa mga kotse nila. Ang Toyota ay ang isa sa mga pinakamurang kotse na mabibili mo sa Pilipinas. Pareho silang sikat sa Pilipinas pero mas mabenta ang Toyota kaysa sa Audi. Maraming dahilan bakit mas mabenta ang Toyota. Ang isa sa mga nakikita ko, madalas ang baha sa ating bansa at karamihan ng mga Audi ay mababa ang chassis ng Audi kaya napapasukan ang makina nito pag may baha. Masama ito dahil nakakasira ito ng makina at mahal ang pagpaayos nito. Ang Toyota naman ay mas mataas ang chassis nito kaya mas nadadaanan nito ang baha at hindi pa nasisira ang makina. Ang mga parte rin ng Toyota ay mura kumpara sa mga parte ng Audi.

Marami ang pagiiba Maraming tao nagsasabi na sayang lang pag bumili ng mamahaling kotse gaya ng Audi. Sa aking opinyon depende ito sa  mambibili may iba’t-ibang “pros at cons” ang mga kotseng ito, ngunit pareho silang nagdadala ng tao sa kanilang nais puntahan.