Sa Pilipinas makikita ang iba’t ibang mga kutura, hayop, lugar, pagkain, atbp. Kaya sa aking paniniwalaan ang Pilipinas ay ang pinakanakakaibang bansa sa Mundo.

 

Maraming kultura ang Pilipinas dahil binubuo itong ng 7107 na mga isla at nasakop tayo ng maraming ibang bansa. Gaya ng Amerika, Kastila at mga Hapon. Bawat isa sa kanila ay may papel sa mga kultura at paniniwala ng mga Pilipino ngayon. Maraming nagawa ang mga Kastila para sa ating bansa. Isa sa ito ang pagkalat ng Katolisismo. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay ang tanging bansa sa Asya na higit sa 86% ng mga tao ay Katolisismo. Ito ay dapat ipagmalaki sa ating bansa dahil mahalaga ang isang relihiyon sa mga tao lalo na sa mga Pinoy. Tuwing may pista gaya ng Black Nazarene, nagiipon ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa at ipinagdiwang ang Black Nazarene. Dahil taon-taon nagiipon ang mga Pilipino para sa itong pista, nakikita na mahal ng mga Pinoy ang kanilang relihiyon at seryoso sila dito.

Black Nazarene

 

 

Marami ring mga nakakaibang hayop na makikita sa Pilipinas. Ang pinakakilala sa ating bansa ay ang tarsier. Ito ay isa sa mga pinakamaliit na hayop sa buong mundo. Sing laki ito ng isang kamay ng isang lalaki. Nakakaiba itong hayop dahil napakalaki ang mga mata nito. Parang dalawang malaking holen. Nakikita ito sa isla ng Samar, Leyte, Bohol at Mindanao. Katangi-tangi ito dahil bihira lang ang makakita ng tarsier sa mundo.

Tarsier

 

 

Ang pambansang ibon ng Pilipinas ay ang Philippine Eagle o Pithecophaga jefferyi. Ang kanyang balahibo ay kadalasan puti at sa lugar malapit sa kanyang pakpak ay kayumanggi. Ito ay isang malaking agila at ito ay isa sa mga pinakamalakas at malaki na agila sa buong mundo. Mahalaga ito sa Pilipinas dahil bihira lang itong nakikita at ito ang naging pambansang simbolo ng Pilipinas. Ipinagmamalaki ng ating bansa itong ibon at inaalagaan nang mabuti. Ito ay natatagpo sa Luzon, Samar, Leyte at Mindanao. Ang Philippine Eagle ay isa sa mga popular na ibon para sa mga may hilig manood ng ibon.

Philippine Eagle

 

 

Ang mga Pinoy ay malikhain sa maraming gawain lalo na sa pagluluto. Mahilig ang mga Pinoy magluto ng iba’t ibang pagkain gamit ang baboy. Gaya ng Litson, Tapa at sisig. Ang sisig ay gawa sa ulo ng baboy. Gaya ng tainga, ilong, atbp. Ito ay palaging binibili sa mga pulutan. Kadalasan kasama ito ng beer. Ito ay dapat ipagmalaki dahil itong pagkain ay gawang Pinoy at dapat ipinagmamalaki ito dahil sa sobrang sarap nito at dahil maraming paraan sa pagluto nito. May mga tao na nais pork ang laman, mayroon din mga tao na gusto manok ang laman. Maraming posibilidad sa pagluto ng sisig. Naiiba ito sa ibang bansa dahil ito ay pwede maging pulutan at pwede rin maging ulam sa kanin. Ang pulutan ay kadalasan mga pagkain na madali lang kainin at kadalasan gamit ang kamay. Sa kasalukuyan walang tapat ang ibang bansa sa sisig ng Pilipinas.

Sisig

 

 

Maraming magaganda at katangi-tanging bagay na mabibigay ng Pilipinas. Pagkain, relihiyon, hayop o kahit pista. Natatagpo itong lahat sa Pilipinas. Kaya tara na at pumnta sa Philippines, kung saan marami kang makikita na “Only in the Philippines.”

 

 

http://www.bohol.ph/article15.html

http://www.philippineeagle.org/index?pageval=thephileagle

http://www.dotpcvc.gov.ph/Visitor%20Information/people.html

http://asiasociety.org/countries/religions-philosophies/religion-philippines

http://en.wikipedia.org/wiki/Philippine_Eagle

http://en.wikipedia.org/wiki/Black_Nazarene#Feast_in_the_Philippines

http://www.pinoyrecipe.net/filipino-pork-sisig-recipe/

 

http://images.world66.com/ph/il/ip/philippine_eagle_1_galleryfull

http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Sisig

http://goodnewspilipinas.com/2010/10/04/the-best-traits-of-filipinos-that-we-should-be-proud-of/