Sa itong ikalimampu’t limang taon ng Paaralang Xavier, binago ng Xavier ang kanilang paraan ng pagmamarka sa mga pagsubok ng mag-aaral. Dati ay numero ang pagmamarka, ngayon ay mga letra na ang ginagamit. Isa sa mga dahilan kung bakit ginawa ng Xavier ito ay dahil maraming mahangin ang ulo kung mas mataas ang nakuha niyang marka. Ang marka ay dapat nagpapakita kung gaano mo alam ang aralin, hindi para magyabang sa mga ibang tao. Ang isa pang dahilan ay nais ng Xavier makita ang mga magaaral na makapal ang kanilang palad. Araw-araw nag-aaral para maunawaan ang aralin, sa itong paraan malalaman talaga kung sinu-sino talaga ang mga matatalas ang ulo kabaligtaran ito ay ang mga mabigat ang kamay na nag-aasa sa pagdaraya. Dahil sa bagong paraan ng pagmamarka, mas madadalian ang mga guro na makita kung sinu-sino sa kanilang mga estudyante ay malawak ang isip at kung sino ay mabagal na maunawaan ang aralin. Maganda ito para mabigay-pansin ng guro ang mga nahihirapan na estudyante. Dapat itaga sa bato ng mga estudyante na hindi ginawa ito ng Paaralang Xavier para mahirapan ang mga estudyante. Ginawa ang bagong paraan ng pagmamarka para mas uunlad ang pag-aaral ng mga mag-aaral.

Sources: