Sa librong Florante at Laura ang pangunahing tauhan na si Florante ay nakakaiba kumpara sa mga ibang tauhan sa mga librong nababasa natin, dahil ang kanyang buhay ay puno ng iba’t ibang karanasan. Mabuti man o masama, masiya o malungkot. Dahil dito, sa akingn opinyon kaming dalawa ay maraming pagkakatulad at pagkakaiba.

 

Kami ni Florante ay may mga karanasan na katulad. Ako ay nakapunta na sa isang gubat habang si Florante ay nakatali sa isang puno sa loob ng isang gubat. Kaming dalawa ay may tiwala sa Diyos. Kaming dalawa ay nagdurusa ngunit ibang ang paraan ng aming paghihirap. Ako ay kung may sakit ako ngunit si Florante ay nakatali sa isang puno sa loob ng kagubatan.

 

Kami rin ay may pagkakaiba. Ang pinakahalatang pagkakaiba namin ni Florante ay hindi ko pa naranasan na matali sa isang puno sa isang malungkot, madilim at mabahong kagubatan. Si Florante ay isang prinsipe at ako ay isang estudyante lamang. Nataksil na rin si Florante at sa tingin ko ito ang dahilan bakit siya ay nakatali sa puno habang ako ay hindi pa nataksilan.

 

Dahil sa mga ito mas nakakaugnay ako sa itong aklat kahit napakalalim at mahirap ang mga salita dahil sa mga iba’t ibang karanasan na naranasan namin ni Florante. Ito rin ang nagbibigay interes sa akin dahil interesado akong malaman kung mayroon pa kaming pagkakatulad ni Florante sa mga susunod na kabanata.