Ang pag-ibig ay napakalawak. Maraming puwedeng mangyari dito. Gaya puwede masira ang relasyon ng tao o puwede rin gumanda ang relasyon nila. Maraming tao na nakaranas nito gaya nila Florante at Laura.

 

Si Florante at Laura ay nagpapakita na ang tunay na pag-ibig ay nakapaghihintay. Makikita ito sa mga pangyayari na nang-yari sa libro. Gaya ng tuwing pumupounta sa digmaan si Florante nag-aantay lang si Laura para sa pagbalik ni Florante. Kahit magkalayo sila at pinalayas si Florante sa Kaharian ng Arbanya, mahal na mahal pa rin ni Laura si Florante at wala siyang ibang minamahal.

 

Dito makikita ang tunay na pag-ibig na nakapaghihintay. Kahit malayo at halos imposible na silang magkita ulit, mahal na mahal pa rin nila ang isa’t isa.