Sa kasalukuyan, mahihirapan ako sa pagbasa ng Noli Me Tangere dahil maraming mahihirap na salita at analohiya. Dahil dito, seseryosohin ko ang aking pag-aaral ng Noli Me Tangere para maintindihan ko ang mensahe ni Jose Rizal sa mga Pilipino. Inaasahan ko na marami akong mensahe na matututo at magagamit sa buhay ko.

Kung ako ay si Rizal, sasabihin ko sa mga Pilipino na may pag-asa pa ang sitwasyon nila. Kahit mahirap ang kalagayan ng mga Pilipino ngayon, isang araw uunlad din ito at makakalaya na rin tayo sa mga implusenya ng mga kastila. Sasabihin ko rin na hindi sila nag-iisa at gagawin ko ang lahat ng aking magagawa para mamulat ang mga mata ng mga Pilipino at makalaban para sa kanilang inang bayan.