Naaalala ko pa ang aking mga araw sa EED. Di pa masyadong kilala ang Xavier School noon at konti lang kami bawat silid-aralan. Tuwing umaga gustong-gusto kong maaga makarating sa Xavier para maglaro sa playground sa likod ng larawang ito. Sa playground na ito marami akong tao nakilala. May mga matangkad, mabilis tumakbo, madamot sa slide at mababait na tao. Noong ako’y nasa EED pa parang ang laki ng playground at tuwing naglalaro ako doon parang nasa ibang mundo ako. Noong bata pa ako mas nagagamit ko ang aking imahinasyon. Pagbalik ko ng playground sa EED, nalulungkot ako na hindi na pareho ang tingin ko sa playground. Naging maliit na ang playground sa paningin ko ngunit masaya rin ako na naranasan ko ang kasiyahan ng playground habang nasa EED pa ako.