Bilang isang panatiko ni Jose Rizal masasabi ko na ang buhay ng ating pambansang bayani ay puno ng kawili-wili pangyayari. Si Jose ”Pepe” Rizal ay isinilang noong Hunyo 19,1861 sa Calamba Laguna. Marami siyang kapatid at mayaman ang pamilya niya. Noong siyang isinilang sinabi na ang kanyang ulo ay napakalaki. Sabin g mga tao na kung malaki ang ulo ibig sabihin matalino ang tao. Para kay Jose Rizal, itong kasabihan ay totoo, marami siyang napuntahang kolehiyo at nakaabot pa nga siya sa Europa. Marami rin siyang kasintahan, ngunit hindi siya nakipag-asawa. Ang tanging mahal niya ay ang kanyang mahal na inang bayan na ang Pilipinas.

Ang tanong ngayon ay: “bakit kailangan pa mag-aral ng mga akda ni Jose Rizal?” Kahit tapos na ang panahon ng mga Kastila sa Pilipinas, marami pa rin tayong makukuhang magandang mensahe sa mga akda ni Jose Rizal. Dahil sa kanyang mga akda, binibigay niya pansin ang mga problema sa lipunan at mga mabubuting katangian na dapat umunlad sa bawat isang Pilipino. Marami sa mga problema ng mga Pilipino sa panahon ng Kastila ay  nakikita pa rin ngayon. Mga halimbawa dito ay ang pagiging tamad, pinagmamaliit ang bansang Pilipinas, pagnanakaw, atbp. Kaya gamit ang mga akda ni Jose Rizal, dapat bigyan pansin natin ang mga problemang ito at gumawa ng paraan para mawala sa lipunan ang masasamang uguali na ito. Ang akda na “Si Pagong at Si Matsing” at ang kanyang “Sa Aking Inang Bayan” ay nagpapakita ng mga mabubuting asal na dapat sundin ng mga tao.

Ang kwento ng Pagong at Matsing ay sinulat ni Jose Rizal noong siya ay bata lamang ngunit mahalaga ang mensahe na maidulot dito. May isang Pagong na nakakita ng isang punong saging sa ilog, ito ay hindi niya kayang buhatin ng magisa kaya tinawag niya si Matsing para tulungin siya, ngunit may kondisyon si Matsing. Nais niyang kukunin niya ang taas na bahagi ng puno at yung baba ay para kay Pagong. Hindi natuwa si Pagong ngunit pumayag siya sa kondisyon ni Matsing. Hinati nila ang puno at kinain ni Matsing ang bunga ng kanyang puno. Humingi si Pagong ng makakain ngunit ayaw ni Matsing bigyan siya ng pagkain. Tinanim na lang ni Pagong ang kanyang bahagi ng puno at inalagaan ito. Ilang araw ang naglipas at lumaki na ang puno. Nagkaroon ito ng bunga at naingit si Matsing. Inakyat niya at kinain ang bunga ni Pagong. Nagalit si Pagong at nilagyan niya ng mga tinik sa katawan ng kanyang puno. Nang bumaba si Matsing, nasaktan siya at nagalit kay Pagong. Sinabi niya na ayaw niya sa tubig at di siya marunong lumangoy. Naniwala si Matsing at dali-dali niyang hinagis si Pagong sa Ilog. Pagkatapos, tumawa na lang si Pagong at sinabi na mahilig siya sa tubig. Naisip ni Matsing na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan. Mula noon nagbago na si Matsing. Ang mensahe sa Pagong at Matsing ay masama ang pagtataksil sa mga tao lalo na kung kaibigan mo. Tinuro dito na walang maganda ang makukuha sa pagtataksil.Masisira lang ang relasyon ng mga tao at masasaktan sila. Matutunan din sa akda na ito na mahalaga ang pagiging masipag. Akala ni Matsing na porket nakuha niya ang bahagi na may bunga hindi na niya kailangan magtrabaho. Si Pagong naman tinanim ang kanyang bahagi ng puno at inalagaan. Ang nangyari ay nagkabunga si Pagong at naubusan si Matsing. Humihingi pa nga si Matsing kay Pagong ng pagkain dahil hindi niya inalagaan ang kanyang puno.

Ang akda na “Sa Aking Inang Bayan” ay sinulat ni Jose Rizal para bigyan pansin ang kalagayan ng Pilipinas. Sinasabi niya na ito ay parang kanser na napakalubha. Walang may gusting lumapit o igamot. Nais ni Jose Rizal na bumalik ang mga Pilipino sa kanilang lumang kalagayan noong wala pa ang mga Kastila. Tinatapos ito ni Jose Rizal na sinasabi na siya ay ang anak ng bayan kaya ang mga sakit at paghihina ng bayan ay ang paghihina rin niya. Dito nakikita ang pagiging kabayanihan ni Jose Rizal. Kahit ang kalagayan ng kanyang bayan ay malubha na, mahal na mahal niya ang kanyang bansa na gagawin niya ang kahit ano kaya niya para makabalik ito sa itong dating kalagayan.

Ang mga mensahe ng mga akda na ito ay nag-iiba kasi isa ay tungkol sa pagiging tapat at matiyaga habang yung isa ay tungkol sa kabayanihan. Magkaiba sila pero kapag sinama ang dalawang katangian na ito makakatulong ito sa kagayan ng Pilipinas na puno ng mga katiwalian.

Bilang mag-aaral, masasabi ko na ang mga akda ni Jose Rizal ay nagtuturo ng maraming katangian na kulang sa ating komunidad ngayon. Maraming mga tao na masasama ang ginagawa para lang kumita ng pera. May mga tao rin na tinataksil ang kanilang mga kaibigan o pamilya para lang kumuha ng pera. Karamihan ng mga mag-aaral ngayon ay masama ang tingin sa Pilipinas kumpara sa mga bansa na USA o Tsina. Dapat baguhin natin ang itong paniningin sa ating komunidad at bansa. Dapat ipinagmamalaki natin an gating bansa. Tingin ko na gusto sabihin ni Jose Rizal na hindi dapat tayo mahiya sa ating bansa.

Kahit maraming nagbago sa ating mundo, may mga problema na pareho pa rin panahon ng mga Kastila. Maraming mga tao na natataksil sa kanilang kaibigan. Marami rin ang mga nagaabuso ng kanilang kapangyarihan sa gobyerno. May mga tao na nahihiya kung malaman na Pilipino sila. Minsan nagpapanggap na sila ng ibang nasyonalidad kasi ayaw nila makilala bilang isang Pilipino. Mahalaga aralin ang mga akda ni Jose Rizal habang nasa paaralan para maituro sa mga bata habang sila ay bata ang tamang katangian para paglaki nila hindi sila magiging masamang tao at maipagmamalaki sa ibang tao.

Sa kasalukuyan, masusunod ko ang mga mensahe sa mga akda ni Jose Rizal kung ako ang maging simula sa pagbabago. Hindi sapat na alam mo ang tamang gawin na pwede na. Dapat magagawa mo ang tamang gawin sa totoong buhay at bilang isang mag-aaral sa paaralang Xavier, makakatulong ako ng ibang mga bata para magawa rin nila ang mga magagandang asal na gusto makarating ni Jose Rizal sa mga kababataan ng Pilipinas.