Image

Ang aking meme ay tungkol kay Crispin. Para maunawaan ang kanyang kalagayan, kailangan malaman ang nilalaman ng Kabanata 15- 18. Ang mga nilalaman ng pamilya ni Crispin ay ang kanyang tatay na si Pedro, ang kanyang nanay na si Sisa, ang kanyang tanging kapatid na si Basilio. Mahirap ang pamilya ni Crispin. Ang kanilang tatay ay isang sugalero. Hindi ito maingat sa pera at mahilig siya sa mga sabong. Ginagamit niya ang pera ng pamilya niya para makipagsugal. May galit sila Crispin at Basilio kay Pedro ngunit kahit masama ang ugali nito mahal na mahal pa rin ito ni Sisa. Ang kanilang nanay ay isang mahinhin at minamahal ang kanyang pamilya. Kadalasan mabuti ito ngunit sa sitwasyon ng pamilyang ito, wala siyang sariling boses at kahit inaabuso na sila ni Pedro wala pa rin siyang sinasabil. Umiiyak na lang si Sisa habang ginagamit ni Pedro ang kanilang pera. Si Basilio ay sampung taong gulang. Kahanga-hanga si Basilio dahil siya ay isang matapang at matalinong bata. Mahal na mahal din niya ang kanyang pamilya maliban kay Pedro. Ang kanyang pangarap ay makapag-aral si Crispin habang nagtratrabaho siya para mabuhay ang kanyang pamilya na hindi kasali si Pedro. Si Crispin naman ay pitong taong gulang at siya ay matakutin at matalino gaya ni Basilio. Ang mga bata ay nagtratrabaho sa simbahan na naroon si Padre Salvi. Masama ang tingin ng mga prayle sa mga bata dahil binintang ng sakristan mayor si Crispin sa pagkawala ng salapi ng kura. Ang halaga raw ito ay dalawang ginto. Para sa pamilyang mahirap ito ay malaking bagay. Hindi ito basta-basta mabayad ni Crispin kaya napaparusahan siya ng mga prayle. Kahit anong sabi ni Crispin hindi siya pinaniniwalaan dahil siya ay bata kaya tingin sa kanya na mabilis ang kanyang kamay at masama ang reputasyon ng kanyang tatay. Isang gabi, pauwi na ang magkapatid sa kanilang trabaho, ngunit hinarangan sila ni Padre Salvi. Si Basilio ay pinauwi lampas ang oras na pwede maglakad sa kalye ang mga tao. Habang ang kanyang kapatid ay pinatulog sa simbahan. Ayaw ito ni Crispin dahil pinaparusahan lang siya. Tinatamaan siya hangang umamin siya na kinuha niya ang pera, ngunit hindi niya talaga kinuha ang pera kaya tuloy pa rin ang pagbubugbog sa kanya. Umuwi si Basilio nang magisa at nagalala si Sisa. Sa sunod na araw, hinanap ni Sisa si Crispin. Sinabi ng mga tao sa simbahan na namatay ito at umalis si Sisa umiiyak. Ipinahayag sa susunod na kabanata na yung sakristan mayor yung dahilan sa pagkawala ng salapi ng kura at siya rin ang nagnakaw ng pera. Namay si Crispin sa kamay ng sakristan mayor at ni Padre Salvi.

Sa tingin ko, nais na ipahayag ni Jose Rizal ang madayang maghuhusga ng mga tao. Hindi nila inimbistigahan kung totoo ba na kinuha ni Crispin ito. Basta binintang siya ng sakristang mayor, siya na ang may mali at porket masamang tao ang kanyang tatay hindi ibig sabihin na ganyan din yung bata. Nakikita rin na hindi tama ang paraan ng parusa na ginagawa dito. Binubugbog si Crispin hangang aminin niya na kinuha niya ang pera pero hindi naman talaga kinuha ni Crispin yung pera. Paano niya aaminin yung hindi totoo? Kaya wala nagawa si Crispin sa sitwasyon na ito kundi umiyak at humingi ng tawad sa mga prayle na inaabuso siya. Kitang-kita rin dito ang pagaabuso ng kapangyarihan ng mga prayle. Yung totoong kumuha ng pera ay ang kanilang pinunong sakristan mayor. Siya nga dapat yung hinahangaan at ginagaya ng tao ngunit siya ang gumawa ng kasalanan. Ang mas masama, binintang niya ito sa isang bata. Wala man nagduda sa kalagayan ni Crispin at agad-agad pinarusa siya sa maling bintang ng sakristang mayor. Nakikita rin ang sitwasyon ng mga Pilipino sa oras na ito. Walang magawa ang magkapatid sa kapangyarihan ng mga prayle. Kahit alam nila na sila ang tama, walang tutulong sa kanila. Pati na ang nanay nila, hindi niya nailigtas si Crispin sa kamatayan.

Sa aking larawan, sinisimbolismo ng osong iiyak na ay si Crispin. Mali ang binintang sa kanya at napaparusa siya dahil dito. Sinasabi niya na hindi niya kinuha ang pera ngunit walang naniniwala. Kaya ang tanging nagagawa lang niya ay umiyak sa harap ng parusa ng mga prayle.

 

Sources:

http://memegenerator.net/

http://www.watermark.ws/