Madalas natin makita ang iba’t ibang uri ng pang-aapi sa ating lipunan. Araw-araw natin nakikita ang mga biktima ng itong abuso. Minsan pinapangalan sila ng pagiging bakla, tomboy, baliw, atbp. Ngunit, dapat natin intindihin ang kanilang sitwasyon. Makikita ito sa mga kwento at awit gaya ng “Si Pingkaw”, “Sirena” at “Ang Ikaklit sa Aming Hardin”

Pinapakita ng kwentong “Si Pingkaw” ng isang tao na pinangalan ng ibang tao na baliw at tinatawanan ito. Ngunit hindi nila alam ano ang dahilan kung bakit nabaliw ang tao at hindi nila nakilala ito noong matino pa ang pagiisip nito. Ang “Sirena” ay nagpapakita ng kahirapan sa buhay na nararanasan ng isang bakla at kung paano sila inaabuso ng ibang tao. Subalit, pinakita ni Gloc 9 na hindi porket bakla ka wala kang silbi sa mundo. Ang panitikan na “Ang Ikaklit sa Aming Hardin” ay nagpapakita na kayang-kaya alagaan at ipalaki ang isang bata kahit dalawang nanay ang nagalaga nito. Gusto iparating ng manunulat na hindi mahalaga kung sino nagpalaki. Ang mahalaga ay mahal na mahal ng mga magulang ang kanilang anak.

Gamit ang mga panitikan gaya ng mga nasa itaas, mabubukas ang mga mata ng mga tao para gumawa ng paraan para magbago. Malaking isyu ang pang-aapi sa ating lipunan at dapat hindi ito ipabayaan. Dapat natin ayusin ito para gaganda ang ating lipunan at magiging patas ang pagtrato ng mga tao.