Tuwing may humihingi ng utang kay Nyora Tentay, pinapautang niya sila ngunit linalait niya ang mga naghihiram ng pera. Ang estilo niya sa pagpapahiram ng pera ay ang pagdagdag ng napakataas na interes para kumita siya ng pera. 

Sa nobela, pinakita ang pagkamit ng hustisya sa pamamagitan ng pagiimbestiga ng mga isyu. Kadalasan, dinadala sa hukuman. Ngunit karamihan ng mga isyu ay hindi maayos na iniimbestiga dahil binabayaran lang nila ang mga may kapangyarihan para pumunta sa kanilang pabor ang kaso.

Ang labanan ni Nyora Tentay at Caridad ay nagpapalakasan sila sa mga tauhan na may silbi sa kaso. Gaya sa pagsali ni Ingga kay Caridad at ipaglalaban niya ang lupa sa pabor ni Caridad. Makikita rin na nais tulungin ni Gracia si Caridad dahil gusto niya ipatumba ang kanyang dating asawa na si Victor.